Monday, July 11, 2011

From sabog to busog: Egg Pie FTW!

Sunday, sabog ako. Pero pumunta kami kina tita for the "40 days" of lolo. Madaming relatives ang nandoon pero dahil sabog ako, masakit ang ulo at puyat at stressed (lahat na!) ay naidlip ako. After a few minutes, ginising na ko kasi kakain na, yum! Haha! Dami choices, I went for pasta, fish fillet, and the star ng kainan, lechon. It was no ordinary lechon because tito ordered it from Cebu and they claimed it at the airport. Wow, o ha?! Sarap ng lechon Cebu ah, wala siyang sarsa, kasi malasa na daw ung meat. Masarap naman talaga, nakailang chunks din ako nun pero naghinay rin naman, alagaan ang mga ugat ugat :)


After ng kainan, syempre bonding at kwentuhan ang mga tao. Ako naman nagpapababa ng kinain. Tapos andyan na ang egg pie. Nung una, parang ayaw ko pa kasi busog pa ko, pero nagcrave din ako ng sweet kaya kumuha na din ako. Sabi pa ni tita, gusto ni lolo ng egg pie kaya nagprepare siya nun.

Masarap yung egg pie, na-satisfy niya yung craving ko for a sweet treat after the meal. Di siya ganoong matamis, di rin ganoong walang lasa. Tapos parang ang lambot ng texture pagka-kagat kaya ayun sarap kainin. Tama lang, sakto, chill. Yung egg pie ang naging finale ng food adventure ko ngayon since para kay lolo ang gathering ngayon; ung isa sa mga gusto niyang pagkain ang bida. Miss you lolo. :)

Goldilocks Egg Pie - good memories :)

No comments:

Post a Comment