Friday, June 17, 2011

avocado con hielo

Isa sa mga pagkain na binebenta sa may harap ng Ospital ng Maynila Medical Center ay ang avocado con yelo. Sa stall ni kuya makakabili rin ng saging con yelo at sago gulaman. Ma-eenjoy mo na ang avocado sa halagang trese pesos. Eto ang laman:
una lalagyan ni kuya ng mga 3 kutsara ng avocado ung plastic cup, tapos brown sugar tapos yelo naman, ang final touch ay ang evaporated milk. Pagkakuha mo, hahaluin mo tapos yun na, kainan na!
avocado na may brown sugar na may evap milk

Madalas ito ang escape ko kapag, may mga 30-minute break kami sa klase. Labas lang sandali at hanapin si kuya at yun! Kaboom! Something na mapait dahil sa avocado at something na matamis dahil sa sugar at evaporated milk. Yum! Another sweet treat for me!

No comments:

Post a Comment